Anak, inireklamo ang ama na nakikipagrelasyon sa kanyang best friend
Ang masaklap, inamin ng ina na tiniis pa rin niyang makisama sa mister na si Arlan Lerio ng ilang buwan ngunit palala na ng palala ang kanilang sitwasyon. Kalmado lang na idinedetalye ng mag-ina ang mga nalalalaman at nasaksihan na nila sa relasyon nina Arlan at Jeaneth at hinanggaan pa sila ni Tulfo dahil dito. Samantala, hindi pa nagpa-unlak ang ama gayundin ang sinasabing bagong kinakasama nito. Dahil sa nakakakilabot na pangyayaring ito, apat na kaso ang maaring kaharapi ng kabit habang anim naman ang sa ama ni KL. Maari pa sanang kasuhan ang mga magulang ni Jeaneth na tila kinukunsinte ang anak ngunit dahil sa nasa wastong gulang na ito, hindi na ito nagawa.
Kilala si Raffy Tulfo bilang isa sa mga broadcast journalist sa bansa. Ngunit mas lalo siyang napalapit sa puso ng publiko dahil sa agaran niyang pag-aksyon sa mga sumbong ng mamamayang nadedehado. Ang kagandahan pa sa kanilang tinaguriang "Idol Raffy" wala itong pinipiling lugar o tao na tinutulungan. Mula sa ordinaryong mamamayan hanggang sa sikat na artista o prominenteng tao, basta't nagsumbong sa kanya, agad niya itong inaaksyunan sa maayos na proseso.

Post a Comment